Bakit nga ba baliktad ang mundo?

Technically, wala nmn orientation ang mundo kung ito ba ay nakatayo sa tamang direction kasi
sa outer space walang concept ng up or down.

Pero dahil nasa earth ako, iaadapt ko muna ang concept ng social norm, ibig sabihin sa
bawat bagay mayroong standard ng tama at mali..

Sino ng aba nagdesisyon kung tama ang isang bagay?

Tama ng aba na ginawa ang gwapo para sa maganda?

Halika, pasok ka sa blog ko at alamin natin.

Ito ay compilation ng aking mumunting “social experiment” tungkol sa aking mga tanong sa buhay.

Martes, Disyembre 8, 2015

Multiverse




Masaya ako sa buhay ko ngayon, mahirap pero kontento  na ako sa kung anong meron ako. Its not what I hoped for but its all I have.

Pero paminsan minsan di ko maiwasan magtanong…

What if I made a different choice?

Panu kung tinanggap ko yung offer abroad?

Panu kung siya na lang minahal ko?

Daming tanong, puro what if, minsan nauuwi sa day dreaming.. dreaming about my other self sa ibang universe.

Yung concept ng multiverse,   ayon  sa Wikipedia:

The multiverse (or meta-universe) is the hypothetical set of infinite or finite possible universes (including the Universe we live in) that together comprise everything that exists: the entirety of space, time, matter, and energy as well as the physical laws and constants that describe them. The various universes within the multiverse are also called "parallel universes" or "alternate universes".

Sabihin nating totoo ang multiverse, anong version ng sarili mo ang pipiliin mo?

Pipiliin mo ba yung universe na ikaw ang presidente? O yung universe na ikaw ang pumatay sa presidente?

Ang gulo diba?

Kasi kahit anong version ng universe pa piliin natin, di mawawala ang concept ng balance, sa ibang universe pwedeng isa kang super hero pero kamukha mo si shrek.. pwedeng isa kang supermodel pero ang konsepto sa universe na yun ay baliktad, ang mga pangit ang hot at ang magaganda ay ugly....

Napaisip ako minsan, panu nga kung sya na lang minahal ko? Pwedeng masaya ako, may pamilya kami pero yung koncepto ko marahil ay iba sa konsepto nya, pwedeng perpekto yun para sakin pero impyerno sakanya…

Sa konsepto ng universe na gusto ko, puro yung gusto ko lang, nakalimutan ko yung konsepto ng ibang tao.. pwedeng totoo yung konsepto ng multiverse pwedeng hindi.. pero kung ako mamimili ng universe na gusto ko, pipiliin ko ang universe kung saan sinusulat ko ang blog na ito..

Dito kasi.. di nga tayo, pero pwede kong sabihin sayo na maybe sa ibang universe I deserve you!

Drama noh, pero di ito tungkol saakin o sayo, tungkol ito sa konsepto ng multiverse. 

Maaring isa lamang itong konsepto pero masaya na kung minsan ay napapaisip tayo at nakakapaglakbay ang mga isip natin.. sa paraang ito, Malaya tayo magtanong ng kahit ano, walang pipigil sayo, walang limitasyon.



Ikaw? Ano universe pipiliin mo?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento