Bakit nga ba baliktad ang mundo?

Technically, wala nmn orientation ang mundo kung ito ba ay nakatayo sa tamang direction kasi
sa outer space walang concept ng up or down.

Pero dahil nasa earth ako, iaadapt ko muna ang concept ng social norm, ibig sabihin sa
bawat bagay mayroong standard ng tama at mali..

Sino ng aba nagdesisyon kung tama ang isang bagay?

Tama ng aba na ginawa ang gwapo para sa maganda?

Halika, pasok ka sa blog ko at alamin natin.

Ito ay compilation ng aking mumunting “social experiment” tungkol sa aking mga tanong sa buhay.

Lunes, Disyembre 7, 2015

Delilah Effect






Bakit gusto ng mga babae ang bad boy?

Madami na akong nakilalang mga babaeng umiyak dahil sinaktan/niloko sila ng ex nila, at meron din nman na hanggang ngayon e niloloko pa din ng bf pero mas pinili nilang manahimik at magtiis.
Bakit?

Bakit ba kasi mahilig ang mga babae sa mga bad boy?

Sabi ng mga psychologist , basic instint or primitive instinct daw.
In short, sa mundo ng mga HAYOP, likas sa mga baba maghanap ng mga malalakas at matatapang na kapareha upang kaya sila ipagtanggol.

Pero sa mundo ng mga tao, hindi naman pwede na makuha ng mga babae and mga malalakas at matatapang na lalake at aasa sila na di sila sasaktan.

Ano ba natuklasan ko?:

Gusto ng mga babae magkaron ng karelasyon na bad boy dahil gusto nila magdominate.

1.  Gusto ka nilang baguhin
- Parang crowning glory ng mga babae kung sila ang makakapag pabago sa isang bad boy. Sabi nga nila, Behind every great man there's a great woman.

2. Ikaw ang sandata nila
   feeling nila safe sila kapag kasama nila ang isang bad boy. Akala nila walang magtatangkang mang gulo sakanila kasi nga naman siga si bf. (pero sa mundo ng mga tao, likas na maraming kaaway si bad boy at mas probable na mapaaway ka dahil sakanya)

3. Nakaka gwapo ang bad boy image
sa una kong post na “Gwapo + Maganda = relationship”, ang ika apat na dahilan kung bakit nagugustuhan ng mga babae ang mga lalaki ay dahil sa power. (hindi ito super power or kili-kili power). Macoconsider na power ang pagiging bad boy

 kung mapapansin mo sa iyong kapaligiran, halos lahat ng siga sa bawat kanto, maganda mga bebot nila kumpara sa kanilang itsura. Minsan nga kahit na mukhang ogre si bad boy nakakakuha pa din ng isang mala diwata sa gandang gf.

4. Sapat na ang bad boy image para mabulag mo sila
nakakabulag ang pagiging bad boy. In psychology tinatawag itong cognitive bias, kahit na gaano pa kasama si bad boy, parang anghel parin paningin ni gf sakanya at wala siyang tatanggapin na kahit anong rason na makapagbibigay negatibong impression kay bad boy.


5. Ikaw ang perfect reason dahil bad boy ang image mo, ikaw at ikaw lang ang rason kung bakit sila malungkot. Kung magshare sila ng buhay nila, lagi nilang sisisihin ay ang pagigi mong bad boy. 

Minsan parang unfair din, kasi alam nilang bad boy ka na sa umpisa pa lang tapos aasa pa sila na magbabago ka at tingin nila sayo anghel ka at kapag nagbreak ikaw na ang demonyo.


Itong limang rason na nakalista sa itaas ang common na rason kung bakit ba nahuhulog si babae kay badboy.

Tinatawag ko itong “Delilah effect” (when a women bring down great men) kasi sa kahit anong angolo talagang girls dominated the world and anything bad about it, its always the bad boy’s fault.

Kayo? Ano opinion nyo? Tama ba observation ko?



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento