Bakit nga ba baliktad ang mundo?

Technically, wala nmn orientation ang mundo kung ito ba ay nakatayo sa tamang direction kasi
sa outer space walang concept ng up or down.

Pero dahil nasa earth ako, iaadapt ko muna ang concept ng social norm, ibig sabihin sa
bawat bagay mayroong standard ng tama at mali..

Sino ng aba nagdesisyon kung tama ang isang bagay?

Tama ng aba na ginawa ang gwapo para sa maganda?

Halika, pasok ka sa blog ko at alamin natin.

Ito ay compilation ng aking mumunting “social experiment” tungkol sa aking mga tanong sa buhay.

Lunes, Disyembre 21, 2015

Isang Tagay Para sa Tagumpay



Ang imahe na ito ay hindi aktual na inuman, hiniram ko lamang ang larawan na ito dahil sadyang cute lang!


Pasko na, malamig na ang simoy nang hangin… excited ang lahat,

At sadyang Masarap talaga and pasko sa pinas. Di nawawala ang mga eksenang tulad ng paguwi ng kung sino-sino. Tulad ng kuya ni mark na galling dubai o pinsan ni Alvin na galling Singapore at di rin mawawala ang mga magagandang babae na nagbabakasyon dito tuwing pasko tulad ng pamangkin ni aling baby na galling amerika o apo ni mang boy galling japan.

Sa ganitong panahon masarap magpa-init,

kadalasan kapag Christmas break na, nagiipon-ipon na ang mga mag kakatropa.. tatambay sila sa tindahan ni aling baby at maguumpisa na magpaikot ng tagay…

yung iba naman napagtripang magipo-ipon sa may kanto kung saan dumadaan ang crush ng bayan, may hawak na gitara at masayang nagkakantahan at siyempre di mawawala ang basong umiikot…
gawaiin natin ito, aminin mo man o hindi, ikaw din ay nagging tambay sa kanto…  

masaya ang kwentuhan at asaran, minsan nauuwi sa away at madalas nauuwi sa seryosong usapan, tulad na lng ng mga plano sa buhay, mga pangarap na gustong abutin at mga lugar ng gustong marating.

Pero ano ng aba ang sukatan ng matagumpay na buhay?

Masasabi mo bang matagumpay ka dahil ang tatay mo ang nagging president ng toda?

O dahil ung pinsan mo ay may kaibigan na anak ng mayor na pinsan ng isang mayamang pilantropo?

Akala ko noon simple lang ang buhay, akala ko ang agos ng buhay ay susunod sa plano ko, yun pala, ako ang susunod sa agos ng buhay..

dahil sa mga gantong inuman,Minsan napaisip ako..

matutupad pa kaya mga pangarap ko?...

Natuklasan ko na sa buhay pala hindi sukatan kung ano ka o sino ka sa nakaraan, kung anak ka man ng president ng toda o anak ka ng mayor, hindi yun mahalaga.. dahil sa buhay ikaw ay madadapa, ikaw ay magkakamali, madalas ikaw ay masasaktan at hindi mo pwede ipagsigawan na anak ako ng kahit na sinong pilantropo.

Buhay mo yan, hindi yan buhay ng tatay mo o ng pinsan mong anak ng president ng toda sa kanto. Ikaw lang ang pwede magdala ng buhay mo.

Lagi mong tatandaan na kung nais mo guminhawa buhay mo o matupad lahat ng pinapangarap mo, huwag ka magtago sa anino ng kung sino, at ang tanging dahilan kung bakit di mo maabot ang pangarap mo ay siya ding palpak na katwiran na patuloy mong sinasabi sa sarili mo… 

wag mong sasabihin na ganyan ang buhay mo dahil sa bulok na Sistema ng gobyerno o dahil sa tae na naapakan mo kanina.. ganyan ang buhay mo dahil pinili mo yan, ikaw at ikaw lang ang dahilan.
Lagi mong tatandaan na hindi lamang yaman ang batayan ng tagumpay, masasabi mong matagumpay ka sa buhay kung ikaw ay masaya…

Oo, tama yun, kahit di ka mayaman basta masaya ka.. ikaw ay matagumpay. Pwedeng hindi mo narating ang pangarap mong maging isang piloto pero nakabuo ka nmn ng isang matahimik at puno ng pagmamahal na pamilya, ikaw ay isang matagumpay na tao.

Tama na tong kadramahan na to.. inuugatan na yang baso, .. tagay na!

Isang tagay para sa tagumpay!!!



Teka lang, nasusuka na ako…





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento