Pasko na, malamig na ang simoy nang hangin… excited ang
lahat,
At sadyang Masarap talaga and pasko sa pinas. Di nawawala
ang mga eksenang tulad ng paguwi ng kung sino-sino. Tulad ng kuya ni mark na galling
dubai o pinsan ni Alvin na galling Singapore at di rin mawawala ang mga
magagandang babae na nagbabakasyon dito tuwing pasko tulad ng pamangkin ni
aling baby na galling amerika o apo ni mang boy galling japan.
Sa ganitong panahon masarap magpa-init,
kadalasan kapag Christmas break na, nagiipon-ipon na ang mga
mag kakatropa.. tatambay sila sa tindahan ni aling baby at maguumpisa na
magpaikot ng tagay…
yung iba naman napagtripang magipo-ipon sa may kanto kung
saan dumadaan ang crush ng bayan, may hawak na gitara at masayang nagkakantahan
at siyempre di mawawala ang basong umiikot…
gawaiin natin ito, aminin mo man o hindi, ikaw din ay nagging
tambay sa kanto…
masaya ang kwentuhan at
asaran, minsan nauuwi sa away at madalas nauuwi sa seryosong usapan, tulad na
lng ng mga plano sa buhay, mga pangarap na gustong abutin at mga lugar ng
gustong marating.
Pero ano ng aba ang sukatan ng matagumpay na buhay?
Masasabi mo bang matagumpay ka dahil ang tatay mo ang nagging
president ng toda?
O dahil ung pinsan mo ay may kaibigan na anak ng mayor na
pinsan ng isang mayamang pilantropo?
Akala ko noon simple lang ang buhay, akala ko ang agos ng
buhay ay susunod sa plano ko, yun pala, ako ang susunod sa agos ng buhay..
dahil sa mga gantong inuman,Minsan napaisip ako..
matutupad pa kaya mga pangarap ko?...
Natuklasan ko na sa buhay pala hindi sukatan kung ano ka o
sino ka sa nakaraan, kung anak ka man ng president ng toda o anak ka ng mayor,
hindi yun mahalaga.. dahil sa buhay ikaw ay madadapa, ikaw ay magkakamali,
madalas ikaw ay masasaktan at hindi mo pwede ipagsigawan na anak ako ng kahit
na sinong pilantropo.
Buhay mo yan, hindi yan buhay ng tatay mo o ng pinsan mong
anak ng president ng toda sa kanto. Ikaw lang ang pwede magdala ng buhay mo.
Lagi mong tatandaan na kung nais mo guminhawa buhay mo o
matupad lahat ng pinapangarap mo, huwag ka magtago sa anino ng kung sino, at
ang tanging dahilan kung bakit di mo maabot ang pangarap mo ay siya ding palpak
na katwiran na patuloy mong sinasabi sa sarili mo…
wag mong sasabihin na ganyan
ang buhay mo dahil sa bulok na Sistema ng gobyerno o dahil sa tae na naapakan
mo kanina.. ganyan ang buhay mo dahil pinili mo yan, ikaw at ikaw lang ang
dahilan.
Lagi mong tatandaan na hindi lamang yaman ang batayan ng
tagumpay, masasabi mong matagumpay ka sa buhay kung ikaw ay masaya…
Oo, tama yun, kahit di ka mayaman basta masaya ka.. ikaw ay
matagumpay. Pwedeng hindi mo narating ang pangarap mong maging isang piloto
pero nakabuo ka nmn ng isang matahimik at puno ng pagmamahal na pamilya, ikaw
ay isang matagumpay na tao.
Tama na tong kadramahan na to.. inuugatan na yang baso, ..
tagay na!
Isang tagay para sa tagumpay!!!
Teka lang, nasusuka na ako…